UniTeam no more?
Tila mas lumalim pa ang hidwaan sa pagitan ng dating magka-tandem at UniTeam na sina President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at Vice President Sara Duterte.
Sa isang virtual press conference noong November 22, pinagmumura at pinagbantaan ni VP Sara ang buhay nina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay VP Sara, may inutusan na siya para ipapatay ang tatlo sakaling may pumatay sa kanya.
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, pinag-aaralan nila ang naging pahayag ng pangalawang pangulo at itinuturing na national security issue ang lahat ng banta laban sa Pangulo ng Pilipinas.
Hindi naman sang-ayon si Pangulong Marcos Jr. sa anumang balak na impeachment o pagpapatalsik sa puwesto laban kay VP Sara dahil makakaapekto lamang daw ito sa trabaho ng mga kongresista at senador.
Ang kahihinatnan at epekto sa bansa ng hidwaan nina Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara, tatalakayin ni Professorial lecturer ng UP College of Law, Atty. Rowena Daroy-Morales sa #TheMangahasInterviews.