Isinailalim sa state of calamity ang Metro Manila at iba pang lugar na apektado ng malawakang baha dulot ng Bagyong Carina at habagat.
Sa pag-iikot naman ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga lugar na nasalanta ng bagyo, itinuro niya ang climate change at hindi tamang pagtatapon ng basura bilang sanhi ng matinding pagbaha sa Metro Manila.
Nito lang Lunes, sa kanyang ikatlong State of the Nation Address, binanggit ng Pangulo ang mahigit 5,000 flood control projects na natapos na. Samantala, ilang senador naman ang kumukuwestiyon kung naging epektibo at maayos ba ang pagpapatupad ng flood control projects sa mga lugar na malubhang naapektuhan ng pagbaha lalo na sa Metro Manila lalo pa at P255 billion ang nakalaang pondo para rito.
Ang naging silip ni UP Department of Political Science Assistant Chair Jean Encinas - Franco sa disaster management sa nagdaang malawakang baha at ang iba pang usapin sa ikatlong SONA ng pangulo, tatalakayin sa #TheMangahasInterviews.