Simula February 1, ituturing nang colorum at huhulihin na ang mga jeep na hindi sumali sa consolidation ng LTFRB sa ilalim ng PUV modernization program. Ayon sa datos ng LTFRB as of January 15, naabot ng gobyerno ang 76.6% consolidation rate para sa mga jeep kahit na may mga pagtutol mula sa ilang mga driver at operator.
Ayon kay Dr. Teodoro Mendoza, may akda ng pag-aaral na “Addressing the Blind Side of the Government's Jeepney Modernization Program,” tila hindi raw napag-aralan nang husto ang pagpapatupad sa naturang programa.
Ang magiging epekto ng PUV modernization program sa mga driver at pasahero, panoorin sa kanyang buong panayam sa #TheMangahasInterviews.