"Kasi ang binabago nitong PUV Modernization hindi lang iyong babaguhin mo iyong unit para maging modern, but you have also to change the system of operating a public transport. Kapag ikaw ay boundary system naka-depende ka lang doon sa kikitain. Kapag consolidated ka, salary-based na po ito. Bukod pa doon sa mga other incentive, may salary kang tatanggapin whether nakapagsakay ka ng isa o limang pasahero, may iuuwi ka sa pamilya."
Ang posisyon ng LTFRB sa pagsulong PUV Modernization Program at update mula sa unang araw ng tigil-pasada, pag-uusapan kasama si LTFRB Technical Division Head Joel Bolano sa The Mangahas Interviews.