Ngayong araw ang simula ng face to face classes sa ilang paaralan sa bansa.
Ayon sa tala ng Department of Education (DepEd), nasa 27.6 milyong mag-aaral mula sa private at public schools ang nag-enroll ngayong academic year. Mas mababa ‘yan ng bahagya kumpara sa target na 28.6 milyong estudyante.
Mula Agosto hanggang Oktubre ay puwede pa ang combined in-person at distance learning classes. Pero sa November 2, sisimulan na ng 5-day face to face classes sa lahat ng paaralan.
Panoorin ang buong detalye sa video.