Boluntaryong pagsusuot ng face mask, pinayagan na ng Malacañang | Stand For Truth

GMA Public Affairs 2022-09-12

Views 1

Aprubado na ng Malacañang ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor at non-crowded areas.

Nakasaad sa Executive Order No. 3 na papayagan ang boluntaryong pagsusuot ng face mask kung may good ventilation at open space.

Pero pinapayuhan ang mga hindi fully vaccinated individual, senior citizen at immunocompromised individuals na magsuot pa rin ng face mask kahit nasa outdoor at dapat pa ring sundin ang physical distancing.

Samantala, mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor, private and public establishments, kasama na ang public transportation pati sa mga outdoor setting na walang physical distancing.

Panoorin ang buong detalye sa video.

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS