Keanu Reeves at Hiroyuki Sanada, dumalo sa 47 Ronin World Premiere sa Tokyo!
Keanu Reeves at Hiroyuki Sanada, dumalo sa World Premiere ng pelikulang "47 Ronin" sa Tokyo
Sa isang press conference para sa pelikulang "47 Ronin," na base sa istorya ng Chushingura, o "Loyalty," ay isinagawa sa Tokyo noong November 18.
Ang bida ng pelikula na si Keanu Reeves ay nakarating sa Narita airport noong Linggo, at kahit na balita ng marami ay tumaba ang aktor, ang tutoo ay pumayat pa nga ito!
Bukod sa director na si Carl Erik Rinsch, at kay Keanu, ay nandoon din ang mga Japanese actors na sina Hiroyuki Sanada, Jin Akanishi, at Kou Shibasaki.
Sa press conference, ay hindi nagpaawat sa mga papuri si Keanu, para sa kanyang costar na si Hiroyushi Sanada, at paulit-ulit niyang tinawag si Sanada na "Shisyou," na ang ibig sabihin ay "Master." Ayon kay Keanu, si Sanada ay isang tunay na gentleman, at napakagaling na artista.
Si Sanada rin ay todo sa papuri kay Keanu. Napaka-humble daw ng aktor, at napaka-strikto sa kanyang sarili, pero napakabuti sa ibang tao.
Matapos ang World Premiere, ay libre na daw ang schedule ni Keanu. Baka kumain siya ng ramen, na isa sa kanyang paboritong pagkain! Swerte din ng mga nakakita sa kanya, dahil balita naming ay napakabait niyang tao.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH