Taxi driver, tinulungan ang pulis sa paghanap ng kidnapper ng batang babae!
Isang unemployed na lalaki ang naaresto para sa pag-kidnap ng isang babae sa Sapporo, noong January 27.
Ang suspect na si Hajime Matsui, 26 years old, ay kinidnap umano ang babae habang ito ay naglalakad pauwi, at dinala ito sa kanyang apartment.
Nang hindi umuwi ang bata, tinawag ng nana yang pagkawala ng bata sa pulis, na nagsimula ng imbestigasyon noong January 29.
Kumuha sila ng composite sketch mula sa security camera footage, at mga eyewitness reports.
Isang taxi driver ang tumawag sa pulis noong Febraury 2. Sinabi ng driver sa pulis na habang nakasakay sa kanyang taxi, ay may hawak na komiks para sa batang babae si Matsui -- at napansin ng driver na kahawig ni Matsui ang police sketch.
Pag-alis ni Matsui sa kanyang apartment, nilapitan siya ng pulis. Dineny ni Matsui na may kinalaman siya sa pagkawala ng batang babae, pero natagpuan ng pulis ang babae sa loob ng apartment.
Ang apartment ni Matsui ay may 350 meters mula sa bahay ng babae.
Si Matsui ay kakasuhan rin dahil mahigpit niyang binalutan ng adhesive taoe ang bata habang ito ay naka-confine sa kanyang apartment.
Dineny pa rin ni Matsui ang mga kaso laban sa kanya, at patuloy ang imbestigasyon ng pulis.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH