Eric Garner update: ayon sa bagong footage, ang pagkamatay ni Eric Garner ay kagagawan ng mga pulis at EMS sa New York!
Ang bagong cell phone footage, na na-upload sa Facebook page ni Tasha Allen, ay ipinapakita ang kakulangan sa tulong na ibinigay ng New York City police at Richmond University Medical responders, na nag-resulta sa kamataya ni Eric Garner noong isang linggo, matapos siyang mailagay sa isang chokehold.
Makikita sa video, na nasa pitong minuto ang haba, na naka-handcuff sa sahig si Garner, at hindi na gumagalaw. Hindi man lang sumubok na magbigay ng CPR ang mga pulis, kahit na hindi na umiimik si Garner habang kinakausap nila ito.
Ang apat na EMS responders ay nailagay na sa leave.
Ang ibinigay lang nila sa namatay na si Garner, na may anim na anak, ay isang stretcher kung saan siya nahiga.
Hindi na humihinga si Garner, at walang nagbigay g CPR. Iyan si officer Daniel Pantaleo, na naka-green...na siyang naglagay kay Garner sa isang chokehold...na kumakaway sa camera. Siya ay nailagay sa 'modified assignment' -- whatever that means.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH