VIDEO: Police brutality? Lalaking sumurrender, binaril pa rin ng pulis sa Arizona!
Minsang nagbigay ang komedyanteng si Chris Rock ng ganitong advice para sa mga problema, pagdating sa mga pulis...
Pero kung umabot na sa puntong nagsilabasan na ng baril ang mga pulis?
Magtataasan na tayo ng kamay at magus-surrender, tama ba?
Hindi ba't ito ang itinuro sa atin ng mga pelikula sa Hollywood, at pati na rin an gating tradisyon? Ang pagtaas ng kamay ay surrender! Pero hindi daw ito ang pagkakaintindi ng mga tao sa Arizona...
Panoorin natin ulit ang mga nangyari.
Sigurado kaming nakataas ang kamay ng lalaki sa video.
Oo nga, nakakainis talaga kapag may mga mokong na nagpapa-high-speed chase sa mga pulis gaya ng lalaking ito...
Si Manuel Longoria, isang taga-Arizona na nagpahabol sa pulis ng apatnapung minuto, habang nakasakay sa isang ninakaw na kotse. Pero huminto ang kotse, lumabas si Longoria, at mukhang nakataas ang kanyang mga kamay.
Bigyan natin ng benefit of the doubt ang mga pulis, at sabihin nating hindi nag-cooperate si Longoria...pwede namang barilin nila ito sa binti, hindi ba? O talagang misyon nan g mga pulis ngayon ang mag-shoot to kill, anuman ang mangyari?
Para kay Manuel Longoria, isang napaka-permanenteng mistake ito.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH