Riot police, nilabanan ang mga anti-China student protesters sa Taipei, Taiwan!
Taiwan police, bayolenteng pinaalis ang mga nagpro-protesta sa cabinet office.
Lampas isang daan at limampung tao ang naaresto at nasaktan, nang pinaalis sila ng riot police sa Taiwan, sa Taipei, Lunes ng umaga.
Mabilis na lumala ang sitwasyon, makalipas ang ilang araw ng pag-protesta laban sa kontrobersiyal na trade pact sa pagitan ng Taiwan at China.
Pilit na pinaalis ng riot police ang mga protesters, mula sa cabint building sa Taiwan.
Gamit ang water cannons at baton strikes, isa-isang kinaladkad ng pulis ang mga demonstrators, palabas ng government building, na kanilang pinasok, ilang oras lang ang nakalipas.
Ang mga protesters ay hindi din agad na nagpatalo -- ini-lock nila ang kanilang mga kamay at paa, at nagsisigaw ng "no more police brutality!"
Noong Linggo, nagsagawa ng press conference ang Taiwan President na si Ma Ying-Jeou, at sinabing ilegal ang pag-protesta ng mga estudyante sa legislature sa Taiwan.
Hindi rin nagpaawat si Ma mula sa pinoprotestang trade pact sa pagitan ng Taiwan at China, at sinabi niyang ito ay importante para sa ekonomiya ng Taiwan.
Ang pact, na pinirmahan ng representatives mula sa Taipei at Beijing, ay hinihintay ang desisyon ng legislature ng Taiwan, na mula pa noong Martes ay inokupado na ng mga protesters.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH