Riot police, binato ng tear gas ang mga protesters sa Albuquerque!
Pulis sa Albuquerque, gumamit ng tear gas para patahimikin ang mga protesters.
Nag-fire ng tear gas ang pulis sa mga taong nagpo-protesta laban sa mga police shootings sa Albuquerque.
Isang malaking protesta sa downtown Albuquerque noong Linggo ang nagkagulo nang husto, at napilitang mag-fire ng tear gas ang tior police.
Ang pag-protesta ay nagsimula noong tanghali, hanggang gabi. Ito ay dahil sa kontrobersiyal na Albuquerque police officers, na mula 2010 ay nakapatay ng dalawampu't tatlong silbilyan, at nakasakit ng labing-apat na tao. Ito ang pinaka-latest na insidente:
Ang March 16 na pagpatay kay James Boyd, isang 38-year-old na homeless na lalaking nag-illegal camping. Binaril daw siya ng pulis dahil may hawak siyang kutsilyo na maaring makasakit sa iba, pero ayon sa helmet-cam video na ito, makikitang sinundan naman ni Boyd ang utos ng pulis, at nakatalikod pa ito nang binaril siya ng pulis.
Paano tayong hindi matatakot, kung nagagawang atakihin ng heavily armed na pulis ang isang mentally ill na homeless na lalaki?
Gaya ng ng sabi ng Washington Post, ang bilang ng mga shootings sa Albuquerque ay mataas, dahil sa populasyon doon. Nakapatay ng dalawampu't limang tao ang New York police mula 2011 hanggang 2012, pero ang populasyon ng New York ay mahigit ng labinlimang beses ng Albuquerque.
Ipinagtatanggol ng mga awtoridad ang kanilang pamamaraan ng pagpapatahimik sa mga protesta, at ipinagtanggol din nila ang pagpatay nila kay James Boyd. Nangako ang New Mexico Governor na si Susana Martinez, na magsasagawa sila ng imbestigasyon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH