Anti-radiation boxers o briefs, proprotektahan ang inyong sperm mula sa smartphone radiation!
Proteksiyon para sa mga lalake: boxers na may 'silver lining!'
Madalas ka bang maglakad habang nakalagay ang iyong cell phone sa loob ng bulsa ng iyong pantalon?
Of course!
Alam mo ba na dahil dito, ay nae-expose ang iyong kalalakihan sa radiation?
Makinig po sa aming sasabihin.
Ayon sa mga scientific studies, ang smartphone radiation ay nakakasira sa iyong sperm, at maari pa kayong ma-baog dahil dito.
Pero huwag mag-alala, at nandito ang physics graduate na si Joseph Perkins, para tumulong! Nag-launch siya ng Indiegogo campaign, para maipakilala sa buong mundo ang Wireless Armour men's underwear.
Ang boxer shorts na ito, na maari nang bilhin sa July, ay maari daw protektahan ang kalalakihan ng mga nagsusuot nito, mula sa 99.97 percent ng Wi-Fi radiation, na nanggagaling sa inyong mga mobile devices!
Naitahi sa mga cotton shorts ang manipis na sinulid na gawa sa silver, na bumubuo ng isang 'Faraday Cage,' na tumutulong sa pantay na pagkalat ng radiation, inmes ba mapunta ang lahat sa issang lugar.
Ang silver boxers na ito ay mayroon ding antimicrobial properties, kaya hindi rin ito mangangamoy.
Kung kayo ay matagal nang nag-aalala tungkol sa radiation, abangan po ang Wireless Armour underwear -- coming in July!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH