Lalake sa Alabama, binaril at pinatay ang lalakeng nang-molestiya sa kanyang anak na babae!
Si Jay Maynor ay naakusahan ng pagpatay sa isang registered sex offender. Ang shooting spree ay nagsimula noong Lunes nang ang 41-year-old na si Maynor ay sinubukang barilin diumano ang boyfriend ng kanyang stepdaughter, sa Berlin Plaza Quick Stop sa Cullman County.
Nakatakas ang kanyang target, at tumungo si Maynor sa bahay ni Raymond Earl Brooks, isang registered sex offender na minolestiya ang kanyang anak na babae.
Hindi malinaw kung ano ang nangyari, pero binaril diumano ni Maynor si Brooks, na 59 years old. Isang Alabama state trooper na rumispondi sa eksena ang nakakita kay Maynor na paalis sakay ang kanyang bike, at inaresto niya ito.
Si Maynor ay humaharap sa isang bilang ng murder, attempted murder, at shooting into an occupied dwelling.
Si Brooks ay nahatulan ng guilty ng first degree sex abuse, sa kanyang pag-abuso sa anak ni Maynor, na pitong taong gulang pa lang nang nangyari ito, noong 2002.
Si Maynor ay kasakuluyang nasa Cullman County Detention Center. Hindi malinaw kung ano ang nag-trigger sa shooting, at hindi alam ng mga imbestigador kujg ano ang koneksiyon sa pagitan ni Brooks at ng nakatakas niyang target.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH