Lalake, 'aksidenteng' pinatay ang 70-year-old na babae, at inilagay ito sa freezer!
Lalake, inilagay ang 70-year-old na housemate sa loob ng freezer, matapos niya itong 'aksidenteng' masaksak at mapatay!
Ang 47-year-old na si Daniel Shoffner ay nakasuhan ng pagpatay sa kanyang 70-year-old na housemate na si Birdie Elder.
Ang depensa ni Daniel ay aksidente lang ang lahat ng ito. Ayon sa kanya, nagpapakita lang siya ng mga 'knife moves' isang araw, nang hindi niya sinasadyang masaksak si Birdie sa kanyang leeg at dibdib...at nang tinangka siyang labanan ni Birdie, ay aksidente din niyang nasaksak ang kamay nito.
At kahit na sinasabi niyang lahat ng ito ay aksidente lang, itinago niya ang katawan ng biktima sa freezer.
Buti na lang at sinabihan niya ang kanyang anak, na nagtawag ng pulis. Ngayon ay hinihintay lang ng mga officials na matunaw ang yelo sa katawan para maisagawa nila ang autopsy.
Pero para saan pa, kung ayon kay Daniel, ito ay aksidente lang?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH