VIDEO: Campus police, gumamit ng excessive force sa jaywalking professor sa Arizona!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 7

VIDEO: Campus police, gumamit ng excessive force sa jaywalking professor sa Arizona!


Campus police, inaresto ang isang professor na nag-jaywalk sa Arizona!

Ang kaka-release lang na dash cam video na ito ang nagpapakita sa paggamit ng excessive force ng isang police officer, na inaresto ang isang Arizona State University English professor, dahil nag-jaywalk ito.

Noong isang buwan, ang English professor na si Dr. Ersula Ore, ay naglalakad sa campus. Ayon sa police reports, sinabi ni Ore sa pulis na nais lang niyang tumawid ng College Avenue, na ginagawa ng lahat ng tao, para makaiwas sa construction.

Pero hindi nakuntento si Officer Stewart Ferrin sa paliwanag ni Ore, at nang hindi pumayag ang professor na ipakita sa pulis ang kanyang ID, ay nagkagulo na!

Nag-struggle si Ore at ang mga officers, at sinabing gumamit ng excessive force ang pulis. Sang-ayon dito ang mga witness, na nagtawag ng pulis para i-report ang mga pulis.

Humaharap si Ore ng kasong resisting arrest, failing to provide ID, at obstructing public thoroughfare. Nakasuhan rin siya ng assaulting police, dahil sinipa niya ang isang officer nang hinila siya nito patayo. Ayon kay Ore, ito ay self-defense.

Matapos siyang mahampas diumano sa kotse, si Ore ay napatumba sa kalsada. Naangat ang kanyang bestida, at na-expose ang kanyang katawan mula baywang pababa, at nabastusan siya sa mga pulis.

Ayon sa university officials, hindi daw lumabag sa protocol ang officer na sangkot sa insidente, at walang ebidensiya ng racial motivation sa parte ng ASU Police Department.

Panoorin ang buong video sa tomonews.net.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form