Pinipiga ng sakit ang luha at pawis
at ang pait ng buhay ang pumalit sa tamis
naninigang sa kawalan na sya ang labis
hanggang kailan ba ito matitiis
tila wala ng tubig na nagbabadya
upang ipalasap sa uhaw na dila
pano maiibsan ang isip ng makata
na nawawalan ng wastong diwa
nabibiak na ang lupang ito
natuyo't nawalan ng buhay sa mundo
pano makikita ang pinangarap ng tao
kung ang lahat ay tigang sa pagkakatuyo
Naga city 26august2011
FRAGMENTS AND PIECES
http://www.poemhunter.com/poem/natutuyo-na/