Matapos ma-appoint ni Jesus Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman ng Pilipinas, naglabas siya ng bagong memorandum na nag-aalis ng mga limitasyon sa pampublikong pag-access sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN ng mga opisyal ng gobyerno.
Ito ay sa gitna ng pagsasagawa ng lifestyle checks sa mga lingkod-bayan, kalakip ng maiinit na kontrobersiyang umiikot sa diumanong katiwalian sa gobyerno.
Ano nga ba ang SALN? Bakit ito mahalaga? At paano magkaroon ng access dito? Alamin sa video.