Sa Rizal, isang dalaga ang pinagsamantalahan umano ng isang dayo. Pero sa tulong ng #Resibo, ang suspek, nahuli ng mga operatiba at ngayon, unti-unting naghihilom mula sa pagsubok ang biktima. Ang ina ng biktima, may hiling para sa anak ngayong Kapaskuhan.
Sa Bulacan naman, isang babae ang na-stroke kung kaya't ibinalik siya ng kanyang kinakasama sa kanyang pamilya. Pero ang lalaki, kinupkop ang kanilang bunso. Sa tulong ng #Resibo, napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan na ibalik sa ina ang anak nila. Ang ama, hiling naman na makapag-abot ng regalo sa kanilang mga anak ngayong Pasko.
Ang ina namang si Liza at ang anak niyang si Lyza, nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan. Si Lyza na napag-alamang may "developmental delay," itinakas daw ng kanyang live-in partner. Sa tulong ng #Resibo, nagkasamang muli ang dalawa. Kumusta na ba sila?
Ngayong Pasko, may sisibol bang bagong pag-asa sa kanila? Panoorin ang buong kuwento sa video. #Resibo