Aired (December 8, 2024): #TheAtomAraulloSpecials: #MgaBosesMulaSaHukay
Sa giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon, tinatayang nasa mahigit 6,000 ang napatay sa mga lehitimong drug operations ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA mula 2016 hanggang 2022. Pero bukod sa mga napaslang sa mga police operation, may mga napatay rin ang mga unknown killers o hindi matukoy na mga salarin. Ang kanilang mga biktima, natagpuang itinapon, nakagapos, nakabalot ng tape ang mga katawan at wala nang buhay.
Makalipas ang walong taon, nananawagan ang mga human rights organization na buksan muli ang mga kasong ito at magsagawa ng masinsinang imbestigasyon.
Sa mga bagong impormasyon na isiniwalat ngayon sa senado at kamara, makatulong kaya ang mga ito sa imbestigasyon para makamit ng mga biktima ang matagal nang hinihintay na hustisya?
PANOORIN ANG BUONG KUWENTO SA VIDEO.
Watch 'The Atom Araullo Specials' every last Sunday of the month on GMA Network, hosted by award-winning broadcast journalist Atom Araullo. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
#TheAtomAraulloSpecials
#MgaBosesMulaSaHukay