PANOORIN: Itinanggi ni Pangulong Bongbong Marcos ang kumakalat na balitang nag-resign umano si Department of Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., at sinabing fake news lamang ito.
Kaniyang iginiit naman ang importansya ng pag-iingat laban sa fake news.
“Mag-ingat po kayo at kilatisin nang mabuti kung may nababasa kayong ganyan.”
Kaakibat din nito, ayon kay Marcos, “Kung may magbabago sa Gabinete, sa pamahalaan, eh kami ang mag-a-announce. Hindi kung sinu-sino man basta nag-post. Hindi sila ang mag-a-announce walang alam 'yan. Kami ang mag-a-announce. Sa kasalukuyan, ngayong araw na ito, walang pagbabago.“
Video courtesy Bernadettte Reyes/GMA Integrated News