Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 11, 2024
- Sampung dayuhang nailigtas sa Lucky South 99 POGO sa Porac, Pampanga, iniharap ng DOJ | Reklamong qualified human trafficking, isinampa vs. Cassandra Li Ong at mahigit 50 pang sangkot sa Lucky South 99 | Mga dagdag na ebidensiya sa reklamong money laundering vs. Alice Guo, isinumite ng AMLC sa DOJ | Tarlac RTC Branch 109, pumayag na paharapin si Alice Guo sa mga Senate hearing basta't hindi sabay sa mga pagdinig ng korte
- Alice Guo, binigyan ng hanggang September 12 para maghain ng counter-affidavit para sa reklamong material misrepresentation
- PNP: Pastor Apollo Quiboloy at 4 na kapwa-akusado, mananatili sa Camp Crame | Arraignment ni Quiboloy, nakatakda sa Sept. 13 | Police Regional Office 11, handa raw tumestigo sa mga kaso kay Quiboloy; posible ring magsampa ng reklamo vs. KOJC | Resolusyon para imbestigahan ang pang-aabuso umano ng PNP sa karapatan ng KOJC members, inihain ng Davao City Council
- New NAIA Infrastructure Corp., mangangasiwa sa NAIA simula Sept. 14
- Olivia Rodrigo, excited daw bumisita sa Pilipinas para sa kaniyang "Guts" World Tour show sa Manila | Maroon 5, magbabalik-Pilipinas sa January 2025
- Pilipinas, may pinakamataas na World Risk Index, ayon sa isang pag-aaral
- Mahigit 12,000 examinees, sasabak sa ikalawang araw ng Bar exams | Seguridad sa paligid ng San Beda University, pinaigting ngayong ikalawang araw ng Bar exams
- Sen. Villanueva: Chinese name ang isinulat ni Alice Guo na tumulong para makaalis siya ng Pilipinas | Ilang senador, naniniwalang may kasabwat na Pinoy si Guo sa kaniyang pagtakas | PCG: Binabago na ang policies para mainspeksyon na rin ang non-common carriers gaya ng yate
- Bentahan ng karneng baboy sa Karuhatan Market, matumal pa rin dahil sa epekto ng ASF | Dept. of Agriculture: Controlled ASF vaccination, palalawigin sa Visayas at Mindanao
- PAGASA: Ulan sa ilang lugar sa Metro Manila, dala ng Habagat
- Euwenn Mikaell at Nadine Samonte, bibida sa bagong GMA Afternoon Prime series na "Forever Young"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.