Aired (August 26, 2024): Matagal nang isinusulong ng Pilipinas ang laban kontra-pagkalat ng HIV o Human Immunodeficiency Virus. Subalit sa nakalipas na dekada, ang bansa ay nangunguna sa bilang ng pinakamaraming kaso ng HIV infection sa Western Pacific Region. Ayon pa sa mga eksperto, mas dumarami ang mga kabataang naaapektuhan ng sakit na ito. Gaano nga ba ka-accessible ang HIV testing sa bansa? ‘Yan ang inalam ni Kara David. Panoorin ang video.