Sa kabila ng pagharang ng mga Chinese Coast Guard, ‘mission accomplished’ daw ang civilian supply mission ng Atin Ito coalition kung saan matagumpay na naipaabot ng grupo ang mga food pack at langis sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal.
Ayon sa grupo, maituturing ding ”peace and solidarity regatta" ang ikalawang civilian mission. Nais ding iparating ng Atin Ito coalition na dapat bukas sa mga Pilipino ang exclusive economic zone ng bansa.
Ang detalye ng civilian mission at ang naging paghahanda ng mga lumahok dito, ibabahagi ni Akbayan Party President at Atin Ito Co-convenor Rafaela David sa #TheMangahasInterviews.