Isang lalaki ang tila pusang tahimik na umakyat at pumasok sa isang silid sa Pasig City noong September 2023. Habang mahimbing na natutulog ang lalaking tenant, tinangay ng magnanakaw ang cellphone, wallet at iba pang mga gamit! Pero ag kanyang pangalawang biktima, bahay pala ng pulis?
Samantala, sa halagang 15,000 pesos, maaari na diumanong makalipad papuntang Poland at magkaroon ng mas magandang trabaho. Iyan ang pangakong bumihag sa dalawang messenger riders mula Mindanao na sina "Mark" at "Bernard." Nang kumagat sa alok ng isang nagpakilalang recruiter na si "Marie," agad silang nangutang at pumuntang Maynila sa pag-asang mabigyan ng mas komportableng buhay ang kanilang pamilya. Pero nang hindi na sila sinasagot ni "Marie," natuklasan nilang tila natanso raw sila ng babae?
Panoorin ang buong istorya sa video