Tutol ang ilang mambabatas sa muling pagsulong ng Charter change sa pamamagitan ng People’s Initiative. Ayon kay Albay 1st District Representative Edcel Lagman, hindi raw ito napapanahon at hindi rin ang Konstitusyon ang dahilan ng mga problema ng bansa. Sapat daw ang mga probisyon nito at dapat mas pagbutihin ang implementasyon ng mga batas.
Kinuwestiyon din niya ang naganap umanong bayaran kapalit ng pagpirma sa petisyon para sa Cha-cha.
Ang kaniyang silip sa petisyon na amiyendahan ang 1987 Constitution at iba pang isyu kaugnay nito, alamin sa kaniyang buong panayam sa #TheMangahasInterviews.