"Isa iyong tanong ko rito, bakit kailangan sa education? Ako'y nagtatanong bilang isang mag-aaral din, we continue to learn. Sasabihin daw na kasi ho nagkakaroon ng mga threat sa mga estudyante na nalululong sa droga. Tama iyon, kasi concern natin iyon bilang magulang. Pero ang tanong ko, iyong doon ba sa pag-aaral ng threat na iyon, sino ba ang mayroong kakayanan, hindi ba iyong ahensya na may mandato riyan? Bakit hindi natin idiretso sa PDEA? Bakit hindi natin idiretso sa PNP kung iyan ang problema? May kakayanan ba at may istruktura ang DepEd, ang sabi nga po ng requirement, kailangan naka-konekta doon sa mandato. Maaaring sa pasikot-sikot, pwedeng kumonekta. Pero iyong existing structure and capacity, gagamit din ng iba."
Mahigit P10 billion ang proposed confidential and intelligence fund sa panukalang 2024 national budget. Kalahati halos niyan ay mapupunta sa Office of the President. Bakit kailangan ng confidential at intelligence fund at paano masisiguro na magagamit ito sa tama? Sasagutin iyan ni Ex-COA Commissioner Heidi Mendoza sa #TheMangahasInterviews.