Aired (July 23, 2023): Bukod sa naggagandahang pasyalan, dinarayo rin ang Camarines Norte dahil sa mayamang flora at fauna nito. Kaya naman sa tulong ng eco-guide na si Tatay Ani, aakyatin ng BND team ang Mt. Guinatungan para makita ang isa sa pinakamabahong bulaklak sa mundo — ang ‘rafflesia’ o kung tawagin ay ‘corpse flower’.