"Negligence, incompetence, mismanagement and greed. Kasi ayaw mong gumastos, lalong lumala ang sitwasyon natin. So ang nangyari diyan, marami silang dapat ayusin o gagastusan kagaya ng pipes, kasi malaki ang leakage ng tubig, tagas. Doon sila sa walang gastos na solusyon tapos sisisihin na lang later on, dapat magtipid kayo may El NiƱo kasi, bumaba ang water level sa dam, lumaki ang demand. Para sa akin, iyon ang problema ng privatization kasi nauuna muna ang tubo kaysa sa dapat pagkagastusan para gawin iyong obligasyon nila."
Nagpabaya nga ba ang MWSS at mga water concessionaire kaya paulit-ulit ang problema sa supply ng tubig sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa? Panoorin ang buong panayam kay Bayan Muna Chairperson Atty. Neri Colmenares sa #TheMangahasInterviews.