Narito ang mga nangungunang balita ngayong THURSDAY, JULY 6, 2023:
20 panukalang batas, target maipasa ng LEDAC bago matapos ang 2023; kabilang ang ease of paying taxes at mandatory ROTC
Highway na nagdurugtong sa mga bayan ng President Roxas at Antipas, binaha | Tulay sa Brgy. Malangag, pansamantalang isinara dahil sa baha | Ilang residente sa brgy. Aringay, sapilitang pinalikas dahil sa banta ng pagtaas ng tubig sa Kabacan River | Dalawang menor de edad na tinangay ng baha sa Brgy. Poblacion, nailigtas | Dalawang bangkay, magkahiwalay na natagpuan sa binahang palayan | Ilang lugar sa Cotabato, binaha at nakaranas ng pagguho ng lupa dulot ng ulang dala ng ITCZ
Dalawang barko ng Pilipinas na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal, hinarang ng mga barko ng China Coast Guard | PHL Amb. to China Jaime Florcruz: nananatiling maayos ang ugnayan ng Pilipinas at China
Pinoy swimmer na si Noel Cartera, wagi ng 2 gold medal sa special Olympics World Games 2023
DFA, maglalabas ng e-visa para sa mga dayuhan simula sa 3rd quarter ng 2023
Bianca Umali, kinilig sa sorpresa sa kaniya ni Ruru Madrid
Ruru Madrid, ni-tease na may book 2 ang hit Kapuso action series na "Lolong"
Learning recovery program, ipatutupad ng DepEd para punan ang learning gaps na dulot ng COVID-19 pandemic
BOSES NG MASA: Ano ang masasabi n'yo sa pahayag ng isang vlogger na "Huwag makipag-date sa taong walang pera?"
MMDA: 120 body cameras, gagamitin ng MMDA traffic enforcer; live na makukunan ang bawat galaw ng mga sinisitang motorista | Public transport sector sa inisyatibo ng MMDA: proteksyon laban sa mapang-abusong enforcers ang mga body camera
PSA: 5.4% inflation rate nitong hunyo, pinakamababa sa nakalipas na 13 buwan |Ilang nagtitinda sa palengke, ramdam ang pagbagal ng inflation | Ilang mamimili, hirap pa rin daw pamimili dahil hindi tumataas ang sahod
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.