"The most unfair election in years.”
Iyan ang turing ng oposisyon sa naganap na eleksyon sa Türkiye, matapos muling manalo ni Pres. Tayyip Erdogan sa gitna ng mga krisis doon na bunga umano ng kanyang pamamahala. 52.1% ang nakuha niyang boto, habang 47.9% ang sa kalaban niyang si Kemal Kilicdaroglu.
20 taon nang namumuno si Erdogan, at bahagi umano ng kanyang authoritarian strategy ang pagkontrol ng social media sa Türkiye. Isang araw bago ang eleksyon, na-block sa Twitter ang ilang content na tila hindi pumapabor sa gobyerno. Sa kabila nito, marami pa rin ang kanyang tagasuporta.
Ang iba pang detalye, alamin sa video.