Ang pagiging kuwentista, sumusugal ka – Jun Robles Lana | The Howie Severino Podcast

GMA Integrated News 2023-05-01

Views 2

Kakaiba ang pinakahuling pelikula ni Direk Jun Robles Lana, ang “About Us But Not About US,” na may dalawang karakter lang na nag-uusap sa restaurant, ngunit naghakot na ng mga award. Nagbunga raw ang kuwento sa isang masakit na pangyayari sa buhay niya at nung una ayaw niyang ipalabas sa sinehan.

Ibinahagi rin ng direktor kay Howie Severino kung bakit malaking sugal ang ilan sa kanyang mga obra na minsan may matatapang na tema, tulad ng “Big Night,” isang komedy tungkol sa drug war ng dating Pangulong Duterte, at yung “Mga Kuwentong Barbero” ukol sa panahon ng martial law.

Kinuwento rin niya kung bakit mahalaga para sa kanya ang gumawa ng “queer movies,” kasama na ang malaki niyang hit na “Die Beautiful.” Sa kabila ng mga balakid sa pagawa ng “artistic” o “literary” films, malaki raw ang nakikita niyang pag-asa sa mga batang manililikha na nakakasalamuha niya.

Share This Video


Download

  
Report form