(Aired April 11, 2023): Ang 25-anyos na si Jal, isa sa mga naapektuhan ng Marawi siege noong 2017. Dahil dito, napilitan siyang lumikas, tumigil sa pag-aaral at magtrabaho sa Maynila. Sa kabila nito, pinilit niyang makapag-aral muli at makapagtapos. Ngayon, nasa Marawi siya at bumuo ng clothing line. Ang kinuha niyang naghahabi ng mga kasuotan, single mothers na naapektuhan din ng giyera. Panoorin ang video.