(Aired March 28, 2023): Isa ka rin ba sa mga nagte-trace ng barya noong kabataan mo? Frottage ang tawag sa ganitong klaseng pagguhit. Ikinikiskis ang pangguhit sa bagay para makuha ang hitsura at texture nito. Ang grupong ito ng mga artist, ginagamit ang frottage para raw magtala ng mahalagang alaala. Panoorin ang video.