“‘Yung mindset ng [ilang] Pilipino na kapag nagpunta ka sa US, kapag nagpunta ka sa ibang bansa, ang yaman mo na. Pero hindi nila alam na mahirap, sobrang hirap ng buhay sa ibang bansa.”
Tulad ni Vino Oriarte, isang Pinoy immigrant sa US, lungkot ang isa sa mga pinakamatinding kalaban sa ibang bansa. Kaya naman hindi lang daw doble kundi tripleng adustment ang kanyang naranasan.
Ang OFW namang si Raya sa Denmark, hindi raw maiwasang maging emosyonal lalo na tuwing magpapasko dahil ito raw ang panahong masarap umuwi sa Pilipinas.
Pero dahil sa pagmamahal sa kani-kanilang pamilya, handa silang magsakripisyo kapalit man nito ang matinding pangungulila.
Panoorin ang buong kuwento sa video.