24 Oras Express: September 5, 2022 [HD]

GMA Integrated News 2022-09-05

Views 12

Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, September 5, 2022:

- Mga kasunduan para sa depensa, seguridad at ekonomiya, kabilang sa pinirmahan nina Pangulong Bongbong Marcos at Indonesian President Joko Widodo

- VP Sara Duterte, nakipagpulong sa mga lider ng security forces ng bansa; nagbabalang hindi dapat kaawaan ang mga kriminal at mga terorista

- CSAP: Posibleng magkulang ang supply ng sardinas kung walang sapat na huli ng isdang tamban

- Ilang nais magparehistro para sa educational assistance, hindi na makapasok sa database dahil napuno na ito ayon sa DSWD; nasa mahigit 100-K na lang ang kayang mabigyan ng assistance

- Palitan ng piso kontra dolyar, bumagsak sa panibagong all-time low na P56.99

- Ilang guro, humiling sa mga mambabatas na gawing salary grade 15 o katumbas ng P30,000/buwan ang kanilang suweldo

- 20,000 factory workers mula sa Pilipinas ang posibleng kunin ng Taiwan bago matapos ang 2022

- Ilang kumpanya ng langis, may bawas-presyo na P1.55/L sa diesel at P2.60/L sa gasolina; P1.60/L ang tapyas sa presyo ng kerosene

- National Privacy Commission, tinanong ng mga mambabatas kung saan posibleng nakuha ang mga impormasyong ginagamit sa mga scam text message

- Cebu City, isinailalim sa trial period ang optional na pagsusuot ng face mask sa open spaces

- City Health Office: kaso ng gastroenteritis sa Iloilo City, umakyat na sa 354; 9 na ang nasawi

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Share This Video


Download

  
Report form