Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Miyerkoles, August 31, 2022:
- 2 bagyong binabantayan ng PAGASA, parehong nasa PAR na
- NDRRMC, pinulong na ang iba't ibang opisina sa Norte
- Bayan ng Masantol, isinailalim na sa state of calamity dahil sa ulan at bahang dulot ng Hanging Habagat
- Batanes, naghahanda na sa posibleng pananalasa ng Supertyphoon Henry
- Cebu City LGU, hindi na nire-require ang pagsusuot ng face mask sa ilang bahagi ng lungsod
- Higit P58-M halaga ng high grade shabu na idineklarang pagkain, nabisto
- 88,000 na sako ng asukal, nakita sa 5 bodega; Operations officer ng mga bodega, itinangging ilegal ang kanilang pag-iimbak
- MMDA, mag-aadjust ng deployment para matauhan ang mga lugar na saklaw ng NCAP na ipinatigil muna ng Korte Suprema
- Ilang mangingisda, hindi muna pumapalaot dahil kaunti ang huli at mahal ang krudo; Supply ng sardinas, baka magkulang
- Rep. Salceda: Presyo ng bigas, posibleng tumaas dahil sa nararanasang tagtuyot sa China
- Babaeng paddleboarder na inanod sa gitna ng dagat, sinagip ng Coast Guard
- Pre-departure COVID test requirements para sa mga bibiyahe pa-South Korea, aalisin na
- Kare-kare, no. 51 sa best stews in the world, ayon sa isang food and travel website
- Tricycle driver na hindi nakaalis sa nasusunog niyang tricycle, patay
- SC Chief Justice Gesmundo, ginawaran ng PCU ng Doctor in Humanities Honoris Causa
- Mga nagtitinda ng parol, naglipana na bago pa man ang pagsisimula ng Ber months
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Saksi.
Saksi is GMA Network's late night newscast, anchored by GMA News pillar Arnold Clavio, and Pia Arcangel, featuring top news stories from the Philippines. Saksi is now in its 25th year. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv) for more.