Water Shortage — Metro Manila’s next crisis | Stand for Truth

GMA Public Affairs 2022-08-22

Views 1

Water shortage sa 2025?

Ayon ito sa pag-aaral ng US Agency for International Development O USAID. Anila, bawat siyudad sa Metro Manila ay inaasahang makararanas ng water shortage sa 2025.

Pero sa sa pagtaas ng populasyon, El Niňo, at pabago-bagong panahon, tila napaaga ang krisis sa tubig ng Metro Manila noong 2019.


Kaya naman ang isa sa mga nakikitang solusyon ng gobyerno ay ang itinatayong Kaliwa Dam ng Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS). May haba itong 62 meters at may kapasidad na makapag-imbak ng 600 milyong litro ng tubig kada-araw ayon sa MWSS.


Pero sa pagtatayo nito, apektado ang ilang komunidad sa probinsya ng Rizal at Quezon kabilang na ang mga katutubong Dumagat/Remontado.

Pagtatayo na nga lang ba ng dam ang solusyon kontra water crisis sa Pilipinas?

Alamin ang buong detalye sa report na ito ni Amielle Ordoñez.

Share This Video


Download

  
Report form