Isa sa mga pangunahing hamon ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno ngayon ang pandemic recovery. Kaya ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma, kailangang suriing mabuti ang sitwasyon ng iba't ibang sektor ng manggagawa para sa pagbuo ng mga kaakibat na polisiya.
Kabilang rito ang mga isyu ng "endo," dagdag-suweldo, at benepisyo para sa informal workers. Pinag-aaralan na rin daw ang Telecommuting Act at social services para sa mga guro sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Anu-ano pa ang mga magiging prayoridad ng DOLE sa ilalim ng bagong administrasyon? Panoorin ang panayam na ito kay Sec. Laguesma sa The Mangahas Interviews.