Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, July 12, 2022:
- Imbakan ng armas ng Camp Evangelista ng 4th Infantry Division sa Cagayan de Oro, sumabog; 3 sibilyan, sugatan
- Ilang paaralan, naghahanda na para sa pagbubukas ng school year 2022-2023 sa Agosto
- Mga jeep, baka raw kulangin sa pagbabalik ng face-to-face classes dahil sa naputol nilang mga ruta
- 6 patay, 2 sugatan matapos mabagsakan ng pader ang barracks ng mga trabahador sa isang construction site
- BuCor, sinuyod ang maximum security compound ng NBP para masigurong walang nakatagong kontrabando; higit P2-M halaga ng shabu, nakumpiska sa isang dalaw
- BSP: bagong P1,000 polymer bill at anumang perang papel, pwedeng ipambayad at dapat tanggapin ng mga tindahan at establisyimento kahit may tupi
- Rider, patay nang barilin ng nakaalitan umanong siklista sa Cavite
- Pagkontrol sa inflation ang pangunahing inaalala ng mga Pinoy, base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia
- Itinayong radar dome ng China sa artificial island sa Mischief Reef, iprinisinta kasabay ng anibersaryo ng 2016 Arbitral Award ng Pilipinas
- VP at Education Secretary Sara Duterte, hiniling sa NBI na imbestigahan ang mga kaso umano ng pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts
- Ilang pamilya na naghihintay na makapasok sa listahan ng 4P's, pabor sa paglilinis ng listahan ng mga benepisyaryo
- 2 sa 10 suspek sa pambubugbog sa mga MMDA enforcer na nagsagawa ng clearing operation sa Baclaran noong Hunyo, sumuko na sa pulis; 8 pang suspek, pinaghahanap pa rin
- Dating Prime Minister Shinzo Abe, nailibing na
- Pres. Marcos, suportado ang mungkahi na ireporma ang education curriculum ng bansa
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.
24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.