Ayon sa World Health Organization, mahigit 37 milyong katao ang may Human Immunodeficiency Viruses (HIV) sa mundo. Sa Pilipinas, tinatayang nasa 39 kada araw ang nagpopositibo sa nasabing sakit, kaya itinuturing na growing HIV epidemic country ang bansa.
Ang mga Person Living with HIV (PLHIV) ay mas mataas ang tsansang magkaroon ng COVID-19. Dagdag pa rito, sinasabing lumala raw ang HIV crisis sa bansa noong kasagsagan ng pandemya.
Ang buong detalye tungkol sa itinuturing na "silent epidemic" at ang naging epekto ng COVID-19 crisis dito, alamin sa video.