“Safe, happy and dignified life.” Iyan daw ang nais ng Taliban para sa mga mamamayan ng Afghanistan. Sinabi ito ng pamunuan nitong Sabado, May 7 matapos ianunsyo na kailangan na muling takpan ng mga kababaihan ang kanilang mukha. Ang burqa raw ang “ideal” nilang suotin alinsunod rito.
Maaaring makulong o maalis sa trabaho ang pinakamalapit na kaanak na lalaki ng sinumang babaeng hindi susunod.
Anu-ano pang regulasyon para sa mga kababaihan ang ibinalik ng Taliban sa muling pagsakop sa Afghanistan? Panoorin sa video.
BASAHIN: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/world/830967/taliban-government-orders-afghan-women-to-cover-faces-again/story/