Sa kabila ng banta ng diplomatic boycott ng ilang kalahok na bansa, hindi nagpapigil ang China at nagsimula ngayong araw ang Beijing Winter Olympics 2022. Sa isang diplomatic boycott, mga atleta lang ang dadalo sa palaro at wala umanong opisyal ng gobyerno.
Ang isa sa mga itinuturong dahilan ng boycott ay ang mga pang-aabuso diumano ng China sa karapatang pantao, pero todo-tanggi naman ang nasabing bansa. Sa pagpapatuloy ng Winter Olympics, ano nga ba ang ibig sabihin nito para sa China at sa buong mundo? Panoorin ang report.