Panahon pa lamang ng mga Kastila ay may tumatakbong tren na sa Pilipinas. Taong 1892, unang binuksan ang Manila-Dagupan Ferrocaril at ang riles nito ang itinuturing na kauna-unahang bakal na nailatag sa Pilipinas.
Dekada ‘60 at ‘70 ang itinuturing na “Golden era of the railroad in the Philippines” dahil sa iba’t ibang iconic na kuwento tungkol sa PNR. Isa na rito ay kung paano nadiskubre si super star Nora Aunor na nagtitinda lamang ng tubig noon sa Iriga station ng PNR.
Ngayon, ang ibang istasyon abandonado na at ang ibang riles ay napabayaan na. May pag-asa pa bang maibalik ang glory days ng PNR? Panoorin sa video na ito.