“Lagi akong nakatingin sa puno. Sabi ko, ‘Ano kaya ang pinupuntahan ng bees ko? Ano kaya ang kinakain nila? Masaya kaya sila?”
Ganito raw ang naiisip ni Cisco, o mas kilala bilang si Honeyman, sa tuwing makakakita ng puno na siyang pinagkukunan ng pagkain ng mga alagang bubuyog.
Maniniwala ba kayo na ang mga bubuyog na tulad ng alaga niya ay indikasyon ng malinis na hangin? Ang mga insektong ito kasi, mas marami ang bilang kung saan may green spaces na nagsisilbing tagasala ng dumi nito. Dahil sa pagkaunti ng green spaces o mga mapupunong lugar, iilan na lang ang mga bahay-pukyutan na makikita sa Metro Manila. Paano ba muling mas mararamdaman ang kanilang presensya?
Panoorin ang #GenerationRestoration: Saving Bees, Saving Cities, isang digital documentary series ng Stand for Truth.