Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkoles, September 1, 2021:
- Ilang healthcare workers, nagsagawa ng malawakang kilos protesta
- 2 lalaki, patay sa magkahiwalay na pamamaril sa ParaƱaque; hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan
- Pampasaherong jeep, naholdap; Suspek na aminado sa krimen, arestado
- Pagbibigay ng SRA at ibang benepisyo pati ang resignation ni DOH Sec. Duque, ilan sa mga panawagan ng health workers
- DOH, kinumpirma ang pagdami ng delta variant cases kasunod ng sinabi ng WHO na ito na ang dominant variant sa bansa
- Mga walk-in at hindi mga residente, tinatanggap sa mga vaccination site sa Maynila
- DOH, nahihirapan nang kumuha ng supply ng COVID treatment drug na tocilizumab
- Hanggang P2.85 taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin, aprubado na ng DTI
- May taas-singil din po sa presyo ng LPG
- 5 miyembro ng pamilya, patay matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay
- 16 na sangkot umano sa pagbebenta ng malalaswang serbisyo online, arestado
- Ilegal na pasugalan sa Manila North Cemetery, nabisto; mga nagpapataya, arestado
- VP Leni: Posibleng mas marami pa sa mga naitatala ang totoong bilang ng bagong COVID cases sa bansa
- Mungkahi ng NAMFREL: Gawing numero imbes na alphabetical order ang paglista ng mga kandidato sa balota
- Sen. Gordon at Lacson, nanindigang itutuloy ang imbestigasyon sa mga umano'y overpriced na face mask at face shield na binili ng gobyerno
- Anong masasabi n'yo sa hamon ni Senador Dick Gordon kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sagutin ng kaniyang mga appointee ang overpriced pandemic supply issues?
- Sen. Bong Go, handa raw mag-resign kung mapapatunayang sangkot siya sa katiwalian
- Mayor Isko Moreno, nagpasaring sa mga nag-uungkat ng mga larawan niya noong siya'y artista pa
- Lalaking 6-anyos, patay matapos matuklaw ng cobra sa noo
- Malakas na buhos ng ulan at landslide, naranasan sa ilang lugar sa bansa
- Weather update
- Ilang pinoy, kanya-kanyang diskarte na sa paghahanda sa nalalapit na pasko
- Simbahan, pinalamutian na ng mga Christmas decor
- Komedyanteng si Mahal, pumanaw sa edad na 46
- Kantang "Kapangyarihan" ng Ben&Ben at SB19, panghihikayat sa pagtutulungan ng kabataan para palakasin at mapabuti ang isa't isa
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.