Aired (August 26, 2021): Anim na buwan pa lamang si Jewelyn nang ma-diagnose na mayroon siyang cerebral palsy at meningitis. Sa edad na 18 taong gulang, hindi nakalalakad at nakapagsasalita ang dalag, ngunit naiintindihan naman daw ito ng ama na si Mang Rolando Niangar. Sa loob ng isang buwan, apat na beses dapat magpa-therapy ni Jewelyn at kinakailangan nila ng humigit Php 4,600 para sa bayad at pamasahe patungong Philippine Children's Medical Center. Ano-ano nga ba ang sakripisyong ginagawa ni Mang Rolando para sa anak? Ano ang maaaring asahang tulong ng mga tulad niya para sa pagpapagamot ng mga batang may developmental disability?