Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, August 26, 2021:
- Mahigit P6.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu na ibibiyahe sana pa-New Zealand, nasabat
- Nasa P2-milyong halaga ng damit na ukay-ukay, bistado sa Palawan
- Umakyat uli sa mahigit 13,000 ang bagong COVID cases sa bansa
- Ilang nagpalista para magpabakuna, hindi sumipot sa kanilang schedule
- Bakuna bubble, muling inirekomenda para sa pagbangon ng ekonomiya
- Panayam ng Balitanghali kay Filipino Nurses United secretary-general Jocelyn Andamo
- Medical students, hinihikayat na mag-volunteer sa vaccination sites
- Booking ng appointment schedule sa pagkuha ng yellow card, sa Disyembre pa mababakante
- Mahigit P300-M special risk allowance, naibigay na ng DOH sa mga ospital
- Department of Health na maaring kumalat ang COVID-19 sa social gatherings sa loob ng ating pinagtatrabahuan. Ano ang masasabi n'yo rito?
- DepEd: 40,000 laptops, ide-deliver sa mga paaralan at field offices; mga guro at school personnel, mabibigyan din
- Dagdag na 22 Pinoy mula Afghanistan, nakauwi na
- Ilang OFW, Piniling manatili sa Afghanistan at ipagpatuloy ang trabaho
- Naglabas ng pahayag si Senator Leila de Lima matapos sabihin ni Pangulong Duterte na milyon-milyong piso ang unliquidated cash advance ng DOJ noong siya pa ang pinuno ng ahensya
- Dating DILG Sec. Mar Roxas: Palusot at pagdadrama lang ang muling pag-ungkat ng pangulo sa paggastos ng DILG noong 2014
- PHIVOLCS: Upwelling ng volcanic gas sa main crater ng Taal Volcano, patuloy
- Lalaking gumahasa at nanghingi ng pera sa babaeng live-in partner ng anak niya, arestado; walang pahayag ang suspek
- Mga mangingisda, lugi dahil bagsak presyo ang isdang tamban bunsod ng oversupply
- One seat apart sa mga bus, hindi raw nasusunod tuwing rush hour
- 6 magkakaanak nasagip matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka
- Nasa 300 pasaherong ilang araw hindi nakabiyahe dahil sa "no vaccination, no entry policy" ng Masbate, pinayagan nang makapasok sa probinsya
- Pinasusuportahan daw ni PDU30 sa anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte ang tambalan ng pangulo at ni Senador Bong Go sa eleksyon 2022
- PDP-Laban Cusi faction, iginiit na tuloy ang pagtakbo ni Pres. Duterte sa pagka-bise presidente sa 2022
- Weather update
- Golden lechon, agaw pansin
- "Thunderous" music video ng KPOP group na Stray Kids, trending at mahigit 24 million views na mula nang ilabas nitong Aug. 23
- Marie Kondo, itinuturing ang tidying o pag-aayos sa pagkakaroon ng bagong mindset sa buhay