Sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19, wala munang walk-in sa lahat ng vaccination site sa Metro Manila habang nasa ilalim ito ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Kasunod iyan ng mga ulat ng kaguluhan at pagdagsa ng maraming tao sa ilang vaccination site sa NCR dahil sa kumalat na impormasyong hindi puwedeng lumabas at walang ayuda ang mga walang bakuna habang nasa ECQ.
Sang-ayon ka bang pagbawalang lumabas ang mga taong hindi pa nakatatanggap ng bakuna? At anu-ano ang mga dapat tandaan ng mga magpapabakuna ngayong nasa ilalim ng ECQ ang Metro Manila? Panoorin ang video.