Nababahala na ang Philippine General Hospital dahil puno na ang walong kamang kanilang inilaan para sa mga batang may COVID-19.
Ayon sa pagsusuri ng GMA News Research sa datos ng Department of Health, tumaas ng 29% ang bilang ng mga batang edad 17 pababa na dinadapuan ng COVID-19 sa mga nakalipas na linggo. Hindi pa tukoy kung Delta variant ang tumama sa mga bata.
Dapat na bang bakunahan kontra COVID-19 ang mga batang edad 12 pataas sa kabila ng kakulangan pa rin sa suplay ng bakuna? Panoorin ang video.